PAALAM | Local at Hollywood celebs, patuloy ang pakikiramay sa pagpanaw ng celebrity chef na si Anthony Bourdain

Patuloy ang pagbuhos ng mga nakikiramay mapa-local at international showbiz industry sa pagpanaw ng kilalang celebrity chef na si Anthony Bourdain matapos umanong mag-commit ng suicide dahil umano sa depression.

Inamin ng kapwa celebrity chefs na sina Gordon Ramsay at Antoni Porowski ang kanilang pagkagulat sa insidente at sinariwa kung paano naging inspirasyon sa mga food lovers si Bourdain.

Nagpaabot naman ng paghanga ang American host na si Jimmy Kimmel, habang tinawag na “Rock” and “Protector” ng Italian actress at nobya nitong si Asia Argento ang 61-year old chef.


Maging sina US President Donald Trump at dating Pangulong Barack Obama ay hindi rin nagpahuli sa pagpapaabot ng dasal sa pumanaw na icon.

Ilang local personalities din ang nalungkot at nakiramay gaya nila Lea Salonga, Bianca Gonzales at Celebrity Chef Roland Laudico.

Isang paalala naman ang ipinost ng aktres na si Ryza Cenon tungkol sa mga taong nakakaranas ng depresyon.

Sa instagram post ni Ryza, ipinaunawa niya na hindi lamang simpleng kondisyon ang depresyon, na pangunahing dahilan ng suicide attempts.

Facebook Comments