Delegasyon ng Pilipinas sa 13th World Trade Organization Ministerial Conference sa United Arab Emirates, pangungunahan ng DTI

 

Pangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang delegasyon ng Pilipinas sa 13th World Trade Organization Ministerial Conference sa United Arab Emirates (UAE).

Sinimulan na ngayong araw ang delegasyon hanggang Pebrero 29 sa UAE.

Kasama ni DTI Secretary Alfredo Pascual ang mga opisyal mula House of Representatives at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Agriculture (DA), Department of Foreign Affairs (DFA) and Intellectual Property Office of the Philippines sa Geneva.


Ang ministerial conference ay dadaluhan din ng mga trade ministers at senior officials mula sa 164 na miyembro ng organisasyon.

Kung maalala ang huling ministerial conference ay ginanap noong 2022 sa Geneva, Switzerland.

Facebook Comments