Dalawang bagong batas, nilagdaan ni PBBM

 

Magandang balita para sa mga senior citizens na nag-e-edad 80 hanggang 95.

Ito ay dahil sa nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang bagong batas na Expanded Centenarians Act.

Sa ilalim ng bagong batas, makatatanggap ng sampung libong piso ang mga senior citizen na nasa 80-anyos.


Panibagong sampung libong piso ang matatanggap kapag umabot sa 85, 90 hanggang 95-anyos.

Sa kasalukuyang batas kasi, ang mga nag-e-edad ng 100 ay nakatatanggap ng P100,000.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi lang ang pinansyal na ayuda ang kailangan kundi maging ang mga imprastraktura para sa mga may sampung milyong senior citizen sa bansa.

Samantala, nilagdaan din ni Pangulong Marcos ang Tatak Pinoy Act na magpapalakas sa competence at talento ng mga genius at gifted na mga Filipino.

Hindi lang aniya ito isang simpleng branding ng Tatak Pinoy na magandang serbisyo kundi tatak ng great workmanship.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang dalawang bagong batas ngayong umaga dito sa Palasyo ng Malacañang.

Facebook Comments