Manila, Philippines – Nakaalis na patungo sa Geneva, Switzerland ang16-man delegation na dadalo sa universal periodic review para ipaliwanag anghuman rights records ng Pilipinas.
Ito ay pinangungunahan nina Sen. Alan Peter Cayetano at DeputyExecutive Secretary Menardo Guevarra.
Kabilang din ang mga kinatawan mula sa Presidential Human RightsCommittee, Deputy Speaker of the House, Departments of Foreign Affairs,Justice, Health, Interior and Local Government, Social Welfare at LABO.
Kasama rin sa delegasyon ang mga kinatawan ng PDEA, PNP, AFP atiba pang ahensiya ng gobyerno.
Bukod sa estado ng karapatang pantao sa bansa, ipapaliwanag din nggrupo ang mga naging hakbangin para matupad ng pilipinas ang mga obligasyon sawalong pandaidigang tratado na niratipikahan nitong mga nakaraang taon.
Binanggit pa ni Cayetano na sasakupin ng kanilang presentasyon anglimang taon ng nakalipas na administrasyon at ang sampung buwan ngadministrasyong Duterte.
Giit ni Cayetano, magandang pagkakataon ito para maliwanagan anginternational community sa mga napapaulat na pang-aabusong nagaganap sa Pilipinasgayundin ang mga hamon kinahaharap sa pagpapatupad ng batas at sa sistema nghustisya sa bansa.
Nabatid na huling nakibahagi ang bansa sa universal periodicreview noon pang 2012.
Delegasyong ng Pilipinas na dedepensa sa human rights records ng bansa, patungo na ng Switzerland
Facebook Comments