UN Special Rapporteur on Extrajudicial Killings Agnes Callamard, dumating sa bansa

146

Manila, Philippines – Dumalo si United Nation Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary or Arbitrary Executions Agnes Callamard sa ika-30th anibersaryo ng Commission on Human Rights.

Ayon kay CHR Chairman Chito Gascon, ang pagdalo ni Callamard ay para sa “academic purpose” lamang.

Aniya, wala siyang ideya na ito ay darating sa bansa.

Kasabay nito, nilinaw ni Gascon na dadalo ngayong araw si Callamard sa drug policy forum na pangungunahan ng CHR at Free Legal Assistance Group (FLAG)isang human rights group.

Nakatakdang magpulong si Callamard at Gascon sa mga susunod na araw.

Un nang sinabi ni pangulong Rodrigo Duterte na kaya nasa bansa si Callamarday para magsagawa ng imbestigasyon sa mga nagaganap na patayan.

Facebook Comments