Deliberasyon ng committee of the whole sa RBH 7, tatapusin ngayong araw ng Kamara

Tatapusin na ngayon araw ng House Committee of the Whole ang deliberasyon sa Resolution of Both Houses No. 7 na nagsusulong ng pag-amyenda sa mga economic provision na kinabibilangan ng Articles 12, 14, at 16 ng 1987 Constitution.

Inihayag ito ni Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II na siyang tumatayong majority floor leader ng Committee of the Whole na tumatalakay sa RBH No. 7.

Diin ni Gonzales, sa anim na araw na deliberasyon ay nabusising mabuti ang RBH 7 at narinig ang posisyon ng iba’t ibang ahensya at sektor.


Sabi ni Gonzales, agad itong susundan ng paggawa ng Secretariat ng committee report na isasalang sa plenaryo sa susunod na linggo para parubahan sa ikalawang pagbasa.

Kumpiyansa si Gonzales, na matutupad ng Kamara ang target na pag-apruba sa third and final reading ng RBH 7 bago ang holy week break ng session ngayong Marso.

Facebook Comments