NAIA, muling nag-viral dahil sa panibagong video ng daga sa paliparan

Agad na nag-viral sa social media ang panibagong video ngayon ng daga na nakita sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi.

Batay sa video na kumakalat ngayon sa social media, ikinagulat ng mga pasahero pasado hatinggabi nitong Martes ang biglang pagtakbo ng isang malaking daga malapit sa boarding gate ng isang flight sa NAIA Terminal 3.


Bago ito, umani na rin ng batikos ang pamunuan ng NAIA matapos na mag-viral din ang video ng surot na pumepeste sa mga pasahero at isang daga na nakuhanang palakad-lakad sa gate 2 ng international departure sa NAIA Terminal 3.

Bunsod nito, kasalukuyang nagpupulong ang mga terminal head at pest control provider sa NAIA para resolbahin ang mga problemang hatid ng surot, daga, ipis sa airport na nagdulot ng pangamba sa mga pasahero.

Facebook Comments