Muling inurong ng Korte Suprema ang deliberasyon hinggil sa hiling ng ABS-CBN na Temporary Restraining Order (TRO) laban sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).
Ayon kay Supreme Court (SC) Spokesman Atty. Bryan Hosaka, sa August 4, 2020 pa muling maisasalang sa deliberasyon ng en banc ang petisyon ng nasabing network.
Nabatid na naka-schedule sana ngayong araw ang deliberasyon ng SC sa petisyon ng ABS-CBN.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na hindi death penalty at life imprisonment lamang ang ibinigay ng Kamara sa ABS-CBN nang ibinasura nito ang prangkisa ng network.
Aniya, buhay pa rin kasi ang ABS-CBN at ang korporasyon nito pero malinaw na may paglabag ang kompanya kaugnay sa kanilang prangkisa.