Deliberasyon ng SC sa petisyon vs PUV Modernization Program, nagpapatuloy

Wala pang desisyon ang Korte Suprema kaugnay sa petisyon ng ilang ng transport groups sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, nagpapatuloy pa ang deliberasyon ng en banc sa nasabing petisyon.

Matatandaang noong Disyembre ng nakaraang taon nang maghain ang grupong PISTON ng petisyon para suspindihin ang implementasyon ng programa at mag-isyu ng Temporary Restraining Order o writ of preliminary injunction sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Ito ay para hindi muna ipatupad ang modernization program at mahinto ang consolidation o paglahok ng mga operator at driver sa mga kooperatiba para makatuloy sila ng biyahe.

Kinukuwestiyon din sa petisyon kung naaayon sa konstitusyon ang kautusan ng DOTr at LTFRB na lumalabag umano Karapatan na lumahok sa mga asosasyon at Cooperative Code sa ilalim ng Republic Act 9250.

Sa April 30 na ang deadline ng franchise consolidation at una nang sinabi ng LTFRB na hindi na papayagang bumiyahe ang mga jeep na bigong mag-consolidate pagsapit ng Mayo.

Facebook Comments