Manila, Philippines – Ipinagpaliban muna ng Commission onAppointments (CA) ang deliberasyon sa kumpirmasyon ni Judy Taguiwalo bilangkalihim ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon sa CA, marami pa kasing mga mambabatas na miyembrong naturang bilateral body ang nakapila para magtanong kay Taguiwalo.
Sa pagdinig kanina, karamihan sa mga sinagot na tanong ngkalihim ay ang tungkol sa pagiging dati niyang miyembro ng makakaliwang grupo.
Pero paglilinaw ni Taguiwalo, mula nang maging DSWDSecretary ay hindi na siya kumukonsulta sa CPP-NPA-NDF sa pagpapatupad ng mgaproyekto ng ahensya.
Matatandaang isa si Taguiwalo sa mga inirekomenda ng CPPpara maging miyembro ng gabinete ni pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments