Puspusan ang isinasagawang monitoring at follow up operation ng CIDG Bulacan para labanan ang mga iligal na gumagawa ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Tinaguriang ‘fireworks capital ng Pilipinas’ ang Bocaue dahil sa dami at murang paputok at pailaw na kadalasang ginagamit tuwing sasalubong sa Bagong Taon.
Sa eksklusibong panayam ng DZXL RMN Manila, sinabi ni CIDG Police Superintendent Mark Young, meron sila ngayon na binabantayang iligal na pagawaan ng paputok sa Bocaue.
Kahapon, arestado si Roberto Alejandro na 2 taon nang iligal sa industriya ng paputok.
Bukod sa walang permit ang kanyang pwesto delikado din ang kanilang proseso sa paggawa ng paputok, walang gloves at walang damit pang itaas ang mga empleyado, wala din nakitang buhangin at tubig sa pagawaan na kinakailangan para makaiwas sa sunog.
Ayon kay Superintendent Mark Young, lubhang delikado kapag ito ay nabenta sa mercado.
Imbis na iilaw lang pwede itong sumabog at ikamatay.