Manila, Philippines – Nagbabala ang EcoWaste Coalition sa publiko sa mga nagkalat na pre-moistened baby wet wipes na posibleng magdulot ng allergic reactions.
Ayon kay EcoWaste Chemical Safety Campaigner, hindi dapat bilhin ang mga wet wipes at iba pang leave-on personal care products na naglalaman ng ipinagbabawal na MCI o MIT preservatives na nagdudulot ng pangangati at mamulang pamamantal sa balat.
Pinapayuhan din ang publiko na huwag itapon ang mga gamit na wet wipes sa kalsada o kanal dahil nakakabara ito ng drainage, sewer systems, anti-flood pumping stations.
Pinalala rin nito ang plastic pollution sa karagatan.
Ang MCI ay ‘methylchloroisothiazolinone’ habang ang MIT naman ay ‘methylisothiazolinone’.
Facebook Comments