DELIKADO | FDA nagbabala laban sa hindi rehistradong dietary supplements

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at pagkonsumo ng herbal at dietary supplements na may sangkap na gamot para sa Erectile Dysfunction (ED).

Bilang bahagi ng pinalakas na post-marketing surveillance, nagsagawa ang FDA ng sampling sa;

1. MS for. male tablet herbal dietary supplement (na may manufacturing date na February 20, 2017 at may expiry date na February 19, 2021)
2. Bravo maca + jatropha + corynaea crassa food supplement for men. (na may lot number na NU1Y617 at may expiry date na March 26, 2019).


Base sa resulta ng FDA laboratory analysis, ang produkto ay nagpositibo sa nortadalafil at tadalafil:

Ang tadalafil ay isang prescription drug na ginagamit upang gamutin ang sexual function problems tulad ng impotence o erectile dysfunction, habang ang nortadalafil ay analogue compound ng tadalafil.

Ang mga nasabing sangkap ay ipinagbabawal sa mga food o dietary supplements, dahil ang mga ito ay nagbibigay ng potensyal na panganib sa kalusugan ng publiko lalo na sa mga taong dumanas na ng stroke, vision loss, stomach ulcers, heart problems, kidney problems, liver disease, bleeding problem, blood cell problems at low o high blood pressure.

Ang pagkakaroon ng drug ingredients na tadalafil at nortadalafil sa food/dietary supplements, ay paglabag sa R.A. 9711 (FDA Act of 2009) at R.A. 10611, na kilala rin bilang Food Safety Act of 2013.

Ang publiko ay pinapayuhan na itigil ang pag-inom ng MS for male tablet herbal dietary supplement o bravo maca + jatropha + corynaea crassa food supplement for men with the respective manufacturing date/lot number.

Hinihimok din ang lahat ng nakaranas ng adverse event o anumang hindi kanais-nais na epekto, kasunod ng paggamit ng mga nabanggit na lots ng mga gamot na magsumbong sa FDA sa telephone number 857-1900 local 8105 or email us at foodsafety@fda.gov.ph.

Facebook Comments