Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa pagbili ng mga pekeng gamot lalo at magdudulot ito ng panganib sa kalusugan ng tao.
Pinaaalahanan ng FDA ang publiko na iwasan ang pagbili ng counterfeit pharmaceutical products lalo at talamak ito sa local market.
Ang pag-inom ng pekeng gamot ay posibleng palalain ang iniindang sakit ng pasyente o magdulot pa ng iba pang sakit o kamatayan.
Nakikipagtulungan na ang FDA sa Philippine National Police (PNP) laban sa mga manufacturer, distributor, trafficker at traders ng mga pekeng gamot.
Pinayuhan din ng FDA ang publiko na huwag bumili ng drug products mula sa mga establisyimento o online stores na walang kaukulang government permits.
Facebook Comments