SURVEY | Pangulong Duterte, bumaba ang net satisfaction rating – SWS

Manila, Philippines – Hindi ikinabahala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbaba ng kanyang personal net satisfaction rating base sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon kay Duterte, wala siyang interes sa popularidad.

Okay lang aniya sa kanya na palitan siya ng isang ‘popular leader’.


Una nang sinabi ng Pangulo na handa niyang hindi tapusin ang anim na taong termino para bigyang daan ang paghalal sa isang transition president na mamumuno sa bansa habang pinapalitan ang sistema ng gobyerno tungo sa pederalismo.

Facebook Comments