DELIKADO | Volcanic earthquakes at rockfalls, naitala sa bulkang Mayon

Manila, Philippines – Aabot sa halos-300 volcanic earthquakes at 52 rock fall events ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon kay PHIVOLCS-Bicol Regional Chief Ed Laguerta, naitala rin ang steam explosions at serye ng lava fountaining.

Aniya, mas dumami ang maliliit pero sunod sunod na lava fountaining at tuloy-tuloy ang paglabas ng lava.


Nasa 32.6 million cubic meters na ang eruption volume o dami ng inilabas na materyal ng bulkan.

Sinabi pa ni Laguerta na delikado ang mga komunidad sa paanan ng Mayon dahil maaaring mag-over-flow ang lahar mula sa dalisdis ng bulkan oras na bumuhos ang malakas na ulan.

Facebook Comments