Manila, Philippines – Diskwalipikado na para sa May 2019 Midterm Elections
ang 24 na Partylist Organizations.
Ito ay matapos ipag-utos ng Commission on Elections (COMELEC) ang delisting
sa mga ito at pinakakansela na ang kanilang registration.
Ayon sa COMELEC, mula sa nasabing bilang 18 party-list groups ang bigong
makakuha ng kahit dalawang porsyento ng boto at hindi nakakuha ng pwesto sa
second round ng seat allocation para sa partylist system sa dalawang
nagdaang eleksyon.
Apat na party-list groups naman ang tinanggal dahil naman sa kabiguang
makasama sa huling dalawang eleksyon.
Pero paglilinaw ng poll body, maari pang umapela ang mga tinanggal na
party-list groups sa naging ruling.
Facebook Comments