PINASINUNGALINGAN | 2 opisyal ng Customs, itinanggi ang pagkakasangkot nila sa ‘tara’ system

Manila, Philippines – Itinanggi ng dalawang opisyal ng Bureau of Customs
(BOC) na dawit sila ng ‘tara’ system sa loob ng ahensya.

Ito ay matapos silang pangalanan ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang
privilege speech noong nakaraang taon.

Ayon kay Customs Deputy Commissioner Natalio Ecarma III – mali at hindi
patas ang naging paratang ni Lacson sa kanila ni Deputy Commissioner Edward
James Dy Buco.


Wala aniya siyang tinanggap o ipinag-utos na mangolekta ng ‘tara’.

Iginiit din ni Ecarma – hindi nila kinukunsinte ang ganitong ilegal na
gawain.

Dagdag naman ni Buco na lahat ng mga pinangalanan ni Lacson sa kanyang
privilege speech ay nakapagsumite na ng kanilang kontra-salaysay.

Facebook Comments