Delivery boy, binaril at inagawan ng motorsiklo sa mismong kaarawan

693

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang kaarawan ng isang delivery boy makaraang barilin at agawin ang motorsiklong minamaneho sa Quirino Highway, Caloocan City.

Kinilala ng pulisya ang pinaslang na rider na si John Paul Sargento, 25-anyos.


Naisugod pa siya sa pagamutan ng mga opisyal ng Barangay 183 subalit idineklarang dead on arrival kinalaunan.

Ayon sa mga kawani, may posibilidad na minanmanan at sinundan ng mga suspek ang biktima na galing sa isang restawaran.

Nakarinig din ng putukan ang ilang security guard ngunit mabilis raw nakaeskapo ang dalawa hanggang tatlong kawatan.

Sumisigaw ng hustisya ang pamilya ni Sargento na anila naghahanap-buhay ng maayos.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang mga walang-kaluluwang suspek.

Ire-review din nila ang mga CCTV sa naturang lugar para sa mabilisang paglutas ng kaso.

Facebook Comments