Electrician, Arestado sa Patung-Patong na Kaso

103
Criminal in handcuffs

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang electrician matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto pasado 4:00 nito sa Brgy. Guayabal, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Gilbert Bayan, 46 anyos, isang electrician at residente ng San Manuel, Naguilian, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nadakip si Bayan matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Jeffrey Cabasal City Trial Court Ilagan Isabela para sa kasong Grave of Coercion at Grave Oral Defamation.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P36,000 at P18,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments