Delivery boy, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

46

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang delivery boy matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad bandnag 2:50 ng hapon kahapon sa Brgy Sta. Filomena, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Christian Buraga, 18-anyos, may live-in partner at residente ng Brgy. Zone 3, San Mariano, Isabela.


Positibong nakabili umano ng isang pakete ng hinihinalang droga ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P500 na buy bust money

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isa pang pakete ng naglalaman umano ng shabu maging personal nitong mga gamit.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.


Facebook Comments