Delivery Boy na Top 6 Wanted Person, Arestado

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang Delivery Boy na Top 6 Municipal Level sa ilalim ng Manhunt Charlie sa Brgy. Centro 3, Luna, Isabela.

Kinilala ang akusado na si June Tabajonda, 31 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Puroc sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Luna, dinakip ang akusado sa pangunguna ni P/Capt. Joseph Jonathan Binayug matapos magpalabas ng mandamiento de aresto si kagalang galang hukom Ariel Palce ng RTC Br. 40 Cauayan City para sa kasong RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P72,000.00).

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan si Tabajonda para harapin ang kaso laban sa kanya.

tags; 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, June Tabajonda, Judge Ariel Palce, RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, PNP Luna, Cauayan City, Luzon

Facebook Comments