Binata, Arestado sa Kasong Panggagahasa

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang lalaki na Top 6 Wanted Person Provincial Level at Top 2 City Level bandang 11:00 ng umaga kanina sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Nerzon BargandiƱos, 28 anyos, binate, isang helper at residente ng Brgy. Minante 2 sa nasabing lungsod.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Cauayan City, inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang galang hukom Ariel Palce ng RTC Br. 40 Cauayan City para sa apat na count ng kasong Panggagahasa.


Wala naming inirekomendang piyansa ang korte para sa kalayaan nito.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang akusado para harapin ang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments