Delivery boy naloko ng nagpanggap na empleyado ng Barili Municipal Hall

1407
Courtesy Facebook/Joshua Ricardel

Na-scam ang isang delivery men sa Barili, Cebu nang mahigit 40,000 pesos matapos umanong lokohin ng isang nagpapanggap ng empleyado ng Barili Municipal Hall.

Sa Facebook post ni Joshua Ricardel, ikinuwento nito ang kalunos-lunos na sinapit ng lalaking nagtratrabaho ng maayos.


Kuwento ng delivery man, may tumawag sa kanilang nagpapadeliver ng 35 boxes of pizza at bumili ng cellphone load na umabot sa 34,000 pesos.

Nagpakilala umano ang caller na staff ni Mayor Marlon Garcia at binilin nitong dapat maideliver sa munispyo ang mga pagkain at load bago mag-alas tres ng hapon.

Pero ayon sa mga empleyado ng municipal hall, wala silang alam tungkol sa mga ipinadeliver na pizza at load.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng awtoridad ang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers