Vice Ganda, nag-one day shopping trip sa HK

121
Screenshot via Vice Ganda on Youtube

Sa inilabas ni Vice Ganda na video sa kaniyang Youtube Channel, ibinahagi niya sa publiko na kailangan niya pang pumunta ng Hongkong upang mag-shopping.

Mapapanood sa video ang one-day shopping galore niya sa Hongkong pati ang food trip sa mga sikat na restaurant dito.


Paliwanag ni Vice, nagkakaroon siya ng kalayaan sa pamimili sa ibang bansa at nakakawala ng stress.

“Mahirap mamili sa Maynila. Hindi naman sa umaarte kami or umaarte ako kaya lang siyempre kung magmo-mall sa Maynila, kaunti lang ang oras tapos ang daming magpapa-picture di ka naman makatanggi, eh ako na lang mag-a-adjust,” aniya.

“Sa panandaliang panahon nakakalimutan mo ‘yung mga kinabwesitan mo, nalilibang ka, kumbaga ‘yung libang mahalagang bagay ang paglilibang dahil sa dami ng negatibong pangyayari sa paligid,” dagdag niya.

Sinabi niya ring mahalaga ang trabaho at pangkabuhayan sa kaniya dahil nararamdaman niya dito ang bunga ng pinaghirapan.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 1,300,000 million views sa Youtube.

Panoorin ang kabuuan ng vlog ni Vice:

Facebook Comments

From Advertisers