Delivery man, sinisisi sa pagkamatay ng aso na napisa umano ng inihagis na package

Yorkshire Terrier "Cooper" photo via CBS

Sinisisi ng mag-asawang namatayan ng aso sa California, US ang delivery man na naghagis umano ng package na dumagan sa kanilang alaga.

Pinili na lang daw ni Mitchell Galin at Keiko Napier na ipa-euthanize ang Yorkshire Terrier na si Cooper dahil sa tindi ng pinsalang idinulot ng pagkakapisa rito.

Kuwento nila sa KCBS-TV, nakahiga lang sa bakuran ang alaga nang ihagis ng trabahador ng FedEx ang kahon na masyadong malaki at mabigat para sa 2 kilo na aso.


Nang kunin nila ang kahon, tumambad ang duguang si Cooper.

Ayon sa beterinaryo, nagkaroon ng seryosong pinsala sa baga at atay ang aso–dahilan para magdesisyon ang mga amo na i-mercy killing ito.

Naglabas naman ng pahayag ang FedEx na nakisimpatya sa pangyayari.

Iniimbestigahan na raw ng kompanya ang insidente at gagawin ang nararapat na aksyon base sa resulta.

Gayunpaman, hindi ito naging sapat para kay Napier.

“I feel they need to say they’re going to institute a corporate-wide mandate that drivers cannot throw packages; that’s what I want to hear. I don’t want to hear we’ll look into it,” aniya.

“Our grandchild plays out here. My mother is out here gardening. I’m here gardening. The package was so heavy, should it have struck one of us, it would’ve caused damage. Very very severe damage,” dagdag ni Napier.

Facebook Comments