Delivery ng AstraZeneca vaccines, maaantala

Maaantala ang pagdating ng nasa 525,600 vaccines doses ng British-Swedish pharmaceutical company na AstraZeneca.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., magkakaroon ng delay sa delivery ng AstraZeneca vaccines dahil sa kakulangan sa global supply.

Kinumpirma rin ito ni Health Secretary Francisco Duque III na iginiit na kailangang maghintay ng isa pang linggo bago dumating ang mga bakuna sa bansa.


Hinikayat ni Duque ang mga medical frontliners at ang publiko na magpabakuna na gamit ang Sinovac Biotech dahil ligtas at mabisa ang mga ito.

Dumaan aniya ito sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA), Vaccine Experts Panel at National Immunization Technical Advisory Group.

Bago ito, sinabi ni Galvez na nakikipag-agawan ang Pilipinas sa natitirang 15% ng global supply ng COVID-19 vaccines.

Aniya, 80% ng global supply ay nakuha na ng mga mayayamang bansa habang ang limang porsyento ay napunta sa COVAX Facility.

Gayumpaman, handang hintayin ng Pilipinas ang mga inaasahang bakuna.

Facebook Comments