Mahigit 1.5 milyon na ang na-deliver na PhilSys ID Cards sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), noong Setyembre 2023.
Base sa impormasyon na ibinahagi ng PSA, nangunguna ang lungsod ng San Carlos sa dami ng nakatanggap na ng PhilSys IDs na umaabot sa halos walumpung (80) libo, higit pitumpung (70) libo naman sa Urdaneta, gayundin sa Dagupan, higit animnapung (60) libo naman sa bayan ng Lingayen, at higit limampu’t limang (55) libo naman sa bayan ng Bayambang.
Matatandaan na isa diumano ang Region 1 sa may mataas na porsyento ng napamahagian na ng kanilang mga PhilSys ID Cards.Samantala, patuloy na pinaalalahanan ng tanggapan ng PSA ang kanilang natatanggap na printed IDs ay katumbas ang PVC ID cards.
Anila, kung may tanggapang hindi tatanggapin ang naturang dokumento ay ipagbigay alam ito sa pinakamalapit na PSA office upang makayanan. |ifmnews
Facebook Comments