IMBESTIGASYON SA INSIDENTE NG PAGPATAY NG AWOL NA SUNDALO SA KAPWA SUNDALO NITO BAGO NAGSUICIDE, TINAPOS NA NG PNP LABRADOR

Tinapos na ng PNP Labrador ang imbestigasyon kaugnay sa naganap na pagpatay ng isang sundalo sa kapwa nito sundalo bago nagpakamatay sa bayan ng Labrador.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Labrador PNP Chief of Police Captain Dario Ico, nakuhanan na aniya ng mga pahayag ang mga panig maging mga taong sangkot sa insidente kahapon.
Maging ang ballistic examination ay tinapos na rin nila aniya at hinihintay na lamang ang resulta kaugnay dito.

Sa ngayon ay hihintayin na lang aniya kung ano ang sasabihin ng korte kaugnay sa kaso dahil namatay naman maging ang suspek.
Matatandaan na naganap ang insidente sa Brgy. Duyong bayan ng Labrador ng pagbabarilin ng suspek na isang AWOL na sundalo ang kanyang kasamahan bago ito nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili. |ifmnews
Facebook Comments