
Cauayan City – Arestado ang isang delivery rider matapos na maaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga sa Solano, Nueva Vizcaya.
Ayon sa ulat, napag-alaman na habang nagde-deliver ang suspek ng mga parcels ay isinasabay rin nito ang pagbebenta ng ilegal na droga.
Sa ikinasang operasyon, nabili ng awtoridad na nagpanggap na buyer ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P500, habang nasamsam rin sa loob ng kanyang bulsa ang karagdagang 3 pakete na naglalaman ng parehong kontrabando.
Samantala, sinabi ng suspek na ito na ang pangatlong pagkakataon na nadakip siya ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga subalit nakakalaya ito sa pamamagitan ng plea bargaining agreement.
Facebook Comments