Nagiging dominanteng variant ng COVID-19 sa buong mundo ang Delta, na unang na-detect sa India.
Paliwanag ni World Health Organization (WHO) Chief Scientist Soumya Swaminathan, dahil ito sa mas mabilis maipasa sa tao ang nasabing variant.
Lumabas sa mga pag-aaral na 60% na mas nakakahawa ang Delta variant kesa sa Alpha, na una nakita sa United Kingdom.
Sa ngayong, mahigit 80 bansa na ang nakitaan ng Delta variant at patuloy pa ito sa pag-mutate.
Facebook Comments