Nagbabala ang isang infectious disease expert na 97% na mas nakakahawa o transmissible ang Delta variant.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, ang viral load ng Delta variant ay “1,260 times” na mataas kumpara sa ibang strains.
Mas nakakapag-produce ito ng virus kumpara sa ibang variants of concerns.
Ang isang taong may Delta variant ay kayang makahawa ng apat hanggang walong tao.
Gayumpaman, tiniyak ni Solante na ang lahat ng COVID-19 vaccines na may emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas ay nananatiling epektibo laban sa anumang variants.
Dapat iwasan ng publiko ang anumang super-speader events.
Facebook Comments