Delta variant, bagong banta ng pandemya – WHO

Nagdudulot na ng surge ng bagong kaso ng COVID-19 ang mas nakakahawang Delta variant sa iba’t ibang bansang may mataas na vaccination rates.

Kaya babala ng mga eksperto na ang mga immunization campaigns ay nakikipagkarera sa oras para makontrol ang pagkalat nito.

Sa report ng World Health Organization (WHO), bumabagal ang pandemya kung saan bumababa na ang naitatalang mga kaso sa buong mundo mula nitong Pebrero.


Nababawasan na rin ang bilang ng mga namamatay dahil sa virus.

Pero ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, naghihigpit ang mga bansa dahil sa pagkalat ng Delta variant at makontrol ang epidemya.

Aniya, sobrang nakakahawa ang Delta variant dahil aabot na sa 85 bansa ang mayroong kaso nito at mabilis itong kumakalat sa mga populasyong wala pang nasisimulang pagbabakuna.

Nakikita ng WHO ang mabilis na pagtaas ng kaso sa Russia, Australia, Israel at iba pang bahagi ng Africa dahil sa Delta variant.

Facebook Comments