Hindi pa masigurado ng gobyerno kung may nangyayari na bang local transmission ng COVID-19 Delta variant sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagamat may labing isang local cases na ng Delta variant sa bansa, patuloy pa nilang inaalam kung may local transmission nang nagaganap.
Sa ngayon aniya ay gumagawa na ang DOH ng intensive contact- tracing.
Aniya, kailangang makita ang mga kaso kung konektado sa isa’t isa.
Na-detect ang 16 na bagong kaso ng Delta variant sa bansa kahapon, kabilang ang 11 local cases at 5 returning overseas Filipino workers.
Sa 11 local cases, dalawa rito ang na-detect sa Metro Manila, 6 sa Region 10, 2 sa Region 6 at isa sa Region 3.
Facebook Comments