Delta variant, mas dapat iprayoridad ng gobyerno kumpara sa pulitika

196

Iginiit ni Senator Manny Pacquiao sa pamahalaan na iprayoridad ang pagtugon sa COVID 19 Delta Variant.

Ayon kay Pacquiao, Nakakalungkot na nakapasok na ang Delta variant sa Pilipinas at kapag hindi maagapan ay marami ang maaaring mahawa.

Ginawa ni Pacquiao ang pahayag kasunod ng pagtanggal sa kaniya bilang pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban sa national assembly na ginaganap ngayon sa Clarkfield, Pampanga.


Si Energy Secretary Alfonso Cusi ang bagong halal na pangulo ng PDP-Laban at ang oath taking ng mga bagong opisyal ng partido ay pinangunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pacquiao, bahala sina Cusi kung sa tingin niya at iba pa ay mas importante ang politika sa ngayon.

Diin ni Pacquiao, sa huli ay isa lang naman ang tanong na dapat sagutin at yan ay kung sino ba ang sasamahan ng taong bayan.



Facebook Comments