DOH, hindi pa makumpirma ang sinasabing pangatlong kaso ng pagkamatay sa bansa ng pasyenteng may Delta variant

71

Hindi pa makumpirma ng Department of Health (DOH) ang ikatlong kaso ng pagkamatay sa bansa dahil sa Delta variant ng COVID-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang tiyak lamang ay ang dalawa na naitalang namatay na tinamaan ng Delta variant.

Ito ay ang crew ng MV Athens Bridge at ang isa ay mula sa Maynila.


Sa ngayon aniya ay patuloy pa ang pagkalap ng impormasyon ng DOH hinggil dito.

Facebook Comments