Sumirit ng halos 300% ang demand sa child car seat ayon sa ilang major seat supplier.
Kasunod ito ng anunsyo ng pagpapatupad sa Child Safety and Motor Vehicles Act na nagre-require sa paggamit ng car seats ng mga batang may edad 11 pababa o height na 4’11 pababa.
Ayon sa ilang supplier, taong 2018 nang naging in-demand ito sa publiko pero biglang sumipa ang demand ngayong taon.
Matatandaang inulan ng batikos ang nasabing panukala kung saan una nang ihinayag ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na hindi huhulihin sa kanila ang mga sasakyang walang car seat.
Facebook Comments