Filipino pole vaulter na si EJ Obiena, nasungkit ang gintong medalya sa kakatapos lamang na ISTAF Berlin Athletics Meeting sa Germany

69

Nasungkit ni Filipino Pole Vault athlete at Olympic qualifier Ernest “EJ” Obiena ang gintong medalya sa ginanap na ISTAF Berlin Athletics Indoor Meeting sa Berlin, Germany noon Pebrero 5, 2021.

Nakapagtala ng 5.8 meter mark si Obiena sa kanyang unang subok kung saan nalagpasan niya ang national record para sa indoor pole vault.


Nasa ikalawang puwesto naman si Torben Blech ng Germany at sinundan ni Oleg Zernikel na mula rin sa kaparehong bansa.

Sa ngayon, puspusan pa rin ang ginagawang ensayo ni Obiena para sa nalalapit na Tokyo Olympics.

Facebook Comments