Demarcus Cousins, makakapaglaro na sa NBA Finals

Kumpirmadong makakapaglaro ngayong opening game ng NBA Finals si Golden State Warriors power forward-center Demarcus Cousins.

Mismong si Warriors coach Steve Kerr ang nagkumpirma nito matapos tamaan ng injury sa kanang quadriceps muscle.

Matatandaang hindi naging aktibo sa laro si Cousins dahil sa kanyang iniindang injury na nakuha ng makaharap ang Los Angeles Clippers kung saan ikinabahala ito ng kanyang koponan na baka hindi na siya makapaglaro hanggang matapos ang season.


Pero ayon kay Kerr, may plano na siya kung papaano niya gagamitin si Cousins sa game 1.

Magsisimula ngayong umaga ang game 1 ng NBA Finals sa pagitan ng Golden State Warriors at Toronto Raptors.

Facebook Comments