Mariel Padilla worried sa kanyang ikalawang pagbubuntis

Aminado si Mariel Rodriguez-Padilla na nag-aalala siya sa kanyang ikalawang pagbubuntis.

Say ni Mariel, hindi naman kasi lingid sa kalaman ng lahat na maselan siyang magbuntis kung saan ilan beses na siyang nakunan noon bago ipanganak ang panganay na si Isabella.

Pero may kaba man sa kanyang kalagayan, excited pa rin daw siya sa kanyang second baby lalo na sa magiging reaksyon ng kanilang unang anak ni Robin.


Dagdag pa ni Mariel, naiyak at na-surprise daw sila ni Robin dahil hindi daw nila plinano ang lahat.

Umaasa din ang mag-asawa na matatanggap ni Isabella ang kanilang baby at magiging okay ang sitwasyon.

Wala din daw problema sa kanila kung babae man o lalaki ang kanilang magiging pangalawang baby.

Facebook Comments