Demolisyon sa Floodway, ipinagpaliban

Pasig City – Nakahinga ng maluwag ang mga residente ng Barangay Manggahan, Floodway Pasig City makaraang ipagpaliban ng lokal na pamahalaan ang tangkang demolisyon sa kanilang lugar.

Matatandaan noong August 31 nagkaroon pa ng marahas na dispersal sa Floodway makaraang magbarikada ang grupong Kadamay sa nasabing lugar at nauwi sa pagkakaaresto sa tinaguriang “Floodway 41.”

Pinanghahawakan ngayon ng mga residente ang isang liham mula sa Presidential Commission for the Urban na naka-address kay Pasig City Mayor Robert Eusebio na nagsasabing hindi muna maaaring isagawa ang demolisyon hanggat wala pang relokasyon ang mga apektadong residente


Sa katunayan, mayroon nang relokasyon ang mga residente ng Naramgay Manggahan pero katwiran nila, substandard at napakaliit umano ng pabahay na ibinigay sa kanila ng pamahalaan.

Kasunod nito, nagsasagawa ng demonstrasyon ang mga residente katuwang ang kadamay upang igiit na huwag silang palayasin sa lugar na matagal na nilang inuukupahan.

Hindi sila nakaka-apekto sa daloy ng trapiko at madaraanan naman ang kahabaan ng Floodway patungong bahagi ng Taytay, Cainta at sa kabilang dako patungong Pasig at Ortigas dahil ang protesta ng mga residente ay isinasagawa sa isang bakanteng lote.

Bantay-sarado naman sila ng mga tauhan ng Pasig police.

Facebook Comments