Demolisyon sa ilang kabahayan sa East Bank Road Floodway Pasig City, sinagawa na

Pasig City – Makaraan ang ilang ulit na pagpapaliban sa demolisyon sa ilang kabahayan sa East bank road Floodway Pasig City natuloy na ito ngayong araw.

Pero kumpara noong mga nakalipas na buwan na tensyonado at magulo, kabaligtaran ito sa sitwasyon ngayon.

Kusa na kasing nag-impake ang mga residente at hindi na hinintay pang bitbitin ng demolition team ang kanilang mga gamit.


Personal ding nagtungo sa lugar si Pasig City Mayor Bobby Eusebio.

Ilang lider naman ng mga residente ang naki-usap sa alkalde na ipagpaliban ang demolisyon sa kanilang lugar.

Katwiran ng mga residente, hindi pa tapos ang titirahan nila na sa kabilang kalsada lamang .

Pero paliwanag ng alkalde ililipat sila pansamantala habang hindi pa tapos ang kanilang relocation site sa Southville 10, Plaza Aldea Tanay Rizal.

Mayroon din aniyang P20,000 na livelihood/financial assistance sa mga apektadong residente at nagkakaloob din ang gobyerno ng balik probinsya program.

Facebook Comments