Demolisyon sa mga iligal na istruktura sa gilid ng Quezon Bridge Ferry Station, ipinagpaliban ng PRRC

Manila, Philippines – Pansamantalang ipinagpaliban ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang paggiba sa mga iligal na istruktura sa gilid ng Quezon Bridge Ferry Station sa Lawton, Maynila.

Ngayong araw sana isasagawa ang demolisyon sa 25 mga bahay sa gilid ng ilog Pasig na deklaradong “danger zone.”

Gayunman, nahirapang pasukin ng mga demolition team ang lugar dahil agad silang hinarang ng mga nakatira roon na ipinangangalandakang botante at supporters sila ni Mayor Erap.


Dahil dito, nagdesisyon ang PRRC na magsagawa muna ng pre-demolition conference.

Ibig sabihin, bibigyan nila ng 10 hanggang 15 araw ang mga residente roon na mag-voluntary evacuate dahil kung hindi, tuluyan na nilang gigibain ang kanilang mga bahay.

Samantala, nilinaw naman ni Manila City Mayor Joseph Estrada na hindi siya ang nag-utos ng demolisyon.

Mahigpit daw niyang ipinatutupad ang “no demolition without relocation” sa lungsod.

Facebook Comments