Ikinasang muli ang clearing operation ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno sa mga nagsitayuang illegal na istruktura sa bahagi ng Bonuan Binloc, Dagupan City.
Bahagi ang naturang hakbang sa pagbibigay-daan sa kasalukuyang konstruksyon ng kailanlamang pinasinayaang One Bonuan Pavillon. Layon din ng nasabing aktibidad ang pagpapanatili at pag-aalaga sa kalikasan lalo na sa coastal area ng lungsod.
Samantala, hindi pinahihintulutan ang mga unathorized occupants na basta-basta na lamang nagpapatayo ng istrukturang hindi pasok sa regulasyon sa kinabibilangang lugar o mga illegal at walang karampatang mga papeles. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments