MONITORING SA MGA LUGAR NA KABILANG SA YELLOW CATEGORY, TINIYAK

Mas pinaigting pa ang pagbabantay ng awtoridad sa mga lugar na kabilang sa Yellow Category o Areas of Concern sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Provincial Director ng Pangasinan PPO Rollyfer Capoquian, mas mainam umano ito dahil tiyak ang mas pinaigting na monitoring laban sa posibleng banta ng anumang election-related violence or incidents sa pamamagitan ng mga karagdagang idineploy na mga police personnels.

Dagdag nito, hindi umano inaalis ang posibilidad na maaari pang madagdagan o mabawasan ang bilang ng mga lugar sa Pangasinan na unang isinailalim sa Yellow Category, maging maaari ring pagbabago sa mga kinabibilangang color-coding ng mga ito.

Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling peaceful o mapayapa ang probinsya ngayong election period.

Samantala, matatandaan na walong lugar sa lalawigan ang tukoy ngayon na nasa “Yellow Category”, ito ang mga bayan ng Aguilar, Binmaley, Malasiqui, San Quintin, Mangaldan, Sual at mga lungsod ng Urdaneta at Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments