Demurrer to evidence ni Maria Ressa ng Rappler sa kanyang cyberlibel case, hindi kinatigan ng korte

Tuloy ang pagdinig ng Manila Regional Trial Court Branch 46 sa kasong cyberlibel laban kay Rappler CEO Maria Ressa at dating reporter nito.

Ito ay makaraang hindi pagbigyan ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ang demurrer to evidence ni Ressa at Reynaldo Santos Jr., dahil sa kalulangan ng merito.

Ayon kay Judge Montesa, ang mga ebidensya na naipresinta ng prosekusyon ay “sufficient to sustain” para ituloy ang kasong cyberlibel laban kina Ressa at Santos.


Nauna nang nagtangka sina Ressa na ipabasura ang cyberlibel case na isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

Sa December 6, 2019, ipagpapatuloy ang trial at inaasahang magpiprisinta ang depensa ng kanilang mga ebidensya.

Ang kasong cyberlibel laban kay Ressa ay nag-ugat sa isa sa mga artikulong lumabas sa Rappler noong 2012 hinggil sa sinasabing pagpapagamit ni Keng ng sasakyan nito kay dating Chief Justice Renato Corona noong panahon ng impeachment hearing.

Facebook Comments