Dengue cases sa Baybay City, Leyte tumaas, 3 patay

BAYBAY CITY, Leyte – Idineklara ang State of Health Emergency sa Baybay City, Leyte dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng dengue.

Sa panayam ng RMN Tacloban kay Department Of Health (DOH) Regional Information Officer John Paul Roca, idineklara ito ng mga otoridad para mas tutukan ang surveillance at health advocacy lalong-lalo na ang paglikom ng pondo para sa operasyon sa syudad kontra sa dengue.

Dagdag ni Roca, wala pa namang dengue outbreak at ngayon romesponde kaagad ang mga otoridad.


Sa tala ng DOH, mayron ng 167 na kaso ng dengue sa Baybay City simula Enero hanggang ngayong buwann ng ngayong taon. Isa ang namatay sa buwan ng Abril at dalawa naman ang patay ngayong buwan.

Facebook Comments