Tumataas na rin ang kaso ng dengue sa CALABARZON.
Ayon kay Private Hospital Association of the Philippines, Inc. (Phapi) President Dr. Jose Rene de Grano, batay ito sa ulat na natatanggap nila mula sa mga pribadong ospital sa Region 4-A.
Sa datos ng DOH-CALABARZON, as of July 14, 2022, umabot na sa 5,571 ang dengue cases sa rehiyon na 40% na mas mataas kumpara sa 3,989 cases sa kaparehong panahon noong 2021.
Pinakamarami ay naitala sa Laguna na may 1,806 cases; sinundan ng Rizal, 1,161 at Quezon na may 987.
Nasa 802 naman ang dengue cases sa Cavite; 745 sa Batangas at 70 sa Lucena City.
Ayon kay De Grano, manageable ang pagtugon ng mga pribadong ospital sa mga kaso ng dengue pero problema nila ang kakulangan sa healthcare workers lalo na kapag tinatamaan sila ng COVID-19.