General Santos City—tumaas ng 220 percent ang bilang ng dengue cases sa Gensan mula noong buwan ng Enero haggang ngayong buwan.
Sa ipinalabas na data ng City health office ng Gensan nasa 1, 119 na ang dengue cases dito sa lunsod mas mataas kung ikumpara noong nakaraang taon sa parehong period.
Sa ganoong bilang pito na ang binawian ng buhay na kalimitan mga bata. Dahil dito, muling pinaalalahanan ng city health ang mamamayan na pag ibayuhin ang kanilang pag lilinis sa kanilang kapaligiran para hindi tirhan ng lamok.
Mas pinaigting na rin ng nasabing ahensya ang kanilang kampanya laban sa Dengue para papigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso nito.
Facebook Comments