Dengue cases sa Valenzuela City, mas lalong tumaas

Pinag-iingat ngayon ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang mga residente sa lungsod sa sakit na dengue.

Ito’y matapos na maitala ng Valenzuela City Health Office ang nasa 1,037 na positibo sa nasabing sakit.

Bukod dito, may 706 na indibidwal ang suspected cases matapos magpakita ng sintomas ng dengue.


Tatlong residente naman ng lungsod ng Valenzuela ang naitalang namatay dahil sa nabanggit na sakit kung saan ang naturang mga datos ay naitala mula Enero hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Setyembre.

Nabatis na nasa 148% ang itinaas ng mga kaso ng dengue sa Valenzuela kumpara sa naitalang tinamaan ng sakit noong 2021 sa kaparehong panahon.

Dahil dito, pinapa-alalahanan ng Valenzuela City local government unit (LGU) ang lahat ng kanilang residente na kung nakakaranas ng lagnat sa loob mg dalawang araw ay maiging magpakonsulta na sa health center o pampublikong hospital upang agad na mabigyan ng kaukulang atensyon medikal.

Facebook Comments